PE 2 AD-AB2
Wala akong nakuhang PE 2 dahil nawalan ako ng pag-asa ng makita ang bilang ng mga nagpa-waitlist sa mga PE 2 subjects.
No’ng Tuesday, dapat sa Walking for Fitness, sa klase ng isa kong housemate — at room mate na rin na si AM — ako magpi-prerog pero ‘di ako natuloy. Sayang nga kasi ‘yung cellmate namin na si Cha ay nakapag-prerog at natanggap naman do’n.
Tapos nitong Thursday, nagkasama kami ni Paula — blocmate ko — at napag-usapang mag-prerog. Aerobic Dance ‘yon. 8-10AM ng Fridays. Nung Friday, nagsabi ako kay Paula na ‘di nalang tutuloy kasi mali-late ako sa pinag-usapan naming time. Mga magsi-7 kasi, e, may dalawang housemate pa akong ‘di tapos maligo. Pero pinilit pa rin ako ni Paula kaya minadali ko nalang ang paliligo at pagpunta sa may Landbank kung saan kami magkikita.
Nakarating kami sa may Copeland Gym ng halos saktong 7AM. Nagtanong-tanong pa kami kung saan yung Dance Room 2 kasi do’n daw yun kaso walang tao dun sa room. Bumaba kami sa may pinaka-gym/court tapos nagtanong-tanong sa mga taong nando’n at nahanap namin ang mga nasa klase na ‘yon.
Buti nalang mabait si Ma’am Abueg kasi tinanggap naman n’ya kaming lahat. Nagpaisip sya ng body movement na ipapakita namin ‘pag inintroduce namin yung sarili namin. Tapos ipinagrupo n’ya kami by college. Bale, kaming mga CAS ay may nakasamang nag-iisang CA. (Walang freshie sa klase namin.)
Tapos pinaggawa nya kami ng routine na ipeperform. Ang saya lang kasi kinarir talaga namin ‘yon. Haha. Not until later that day, nalaman kong na-witness pala yun ni Lian kasi nasa Aikido class sya na nasa kabilang dulo lang ng gym.
Anyway, pagkatapos no’n ay nagsabi na si ma’am ng requirements and everything. Tapos eto na. Attire. Grabe. Ako ay naloka. Fitted daw dapat sa ‘min ‘yung damit namin! Required kaming bumili sa Move Your Body (isang boutique ng sports-related gears) ng PE shirt na may “Physical Education” na naka-print. ‘Di ko pa rin ma-imagine kung ano itsura no’n kasi walang sample kahit dun sa store.
Tapos, ‘yung pambaba ay pipili kami kung ano ang gusto namin: cycling shorts, leggings, o boyleg. Syempre, asa namang mapag-boyleg ako, no! Ayaw kong mag-cycling shorts kasi makikita ang horrible scar ng mula sa kaeng-engan ko nung summer, no’ng nadapa ako sa isang resort. Kaya leggings nalang talaga.
Grabe. Ang mga fats na pinakatatago ko ay maeexpose. Buti nalang lilipat ang klase namin sa Baker Hall. Pero problema ko pa rin kung sasagarin ni ma’am ‘yung time namin sa PE dahil ‘di ako familiar sa Baker. Sana talaga may pwedeng pagbihisan do’n dahil ayoko namang tahakin mula Baker hanggang CAS Annex 2 nang naka-PE attire. Marami pa namang mga tao sa Annex 2. Tapos, pagkatapos ng SPCM 102 class ko, sa may BioSci naman. Third floor.
Pero thank God talaga at natanggap sa klase na ‘to. At least, isa nalang ang PE 2 na kailangan ko. Now, I’m looking forward for eventful Fridays.







